Kahalagahan ng pagtuturo ng sex education sa mga mag-aaral
KUYA WIN GATCHALIAN / WIN TAYONG LAHAT
AYON sa United Nations Population Fund (UNPF), mayroong 9.7 milyong kababaihan na may edad 10 hanggang 19 kung saan pagtungtong ng 19 taong gulang, isa sa lima sa kanila ay nagiging ina.
Nangyayari ang maagang pagbubuntis hindi lamang dahil pinili nila ito kundi dahil sa kawalan ng edukasyon, impormasyon at pangangalaga ng kalusugan.
Dahil dito ay naging laganap sa iba’t ibang lipunan ang adolescent pregnancy.
Ang sex education ay pag-aaral tungkol sa sekswalidad ng tao kabilang ang kalusugan, relasyon, pakiramdam, responsibilidad, bahagi ng katawan, sexual reproduction, sexual activity, age of consent, reproductive rights, birth control at pagpipigil sa pagtatalik.
Ang edukasyon tungkol dito ay nagsisimula sa kani-kanyang tahanan at ipinagpapatuloy sa paaralan para sa mga batang mag-aaral na karaniwang nalalantad sa maseselan at sensitibong karanasan o impormasyon tungkol sa pagtatalik.
Ayon sa mga doktor, unang-unang dapat tingnan ng mga magulang ay kung handa na ba ang mga anak bago talakayin ang sex education.
Sila ang unang nakaaalam kung kaya na nila itong maintindihan o kung sila ay may kakayahan nang makipag-usap tungkol dito.
Dapat na ihanda ng mga magulang ang sarili upang matiyak na tama ang kanilang kaalamang ibabahagi sa mga bata.
Suhestiyon para sa mga magulang ay dagdagan ang kaalaman at abilidad na magturo nang maayos sa pamamagitan ng pagbabasa.
Maaari ring magtanong sa ibang mga magulang at propesyunal kung hindi sigurado sa gagawin.
Panatilihin din ang bukas na komunikasyon sa mga anak para maging mas komportable silang magtanong at pag-usapan ang anumang paksa.
Pakinggan, sagutin, gabayan at payuhan sila nang wasto at may responsibilidad sa lahat ng bibitiwang salita.
Hangad natin na ang mga estudyante na nasa hustong gulang ay maging maalam sa tama at mali, kumilos nang naaayon at kung paano tumugon sa posibleng pang-aabuso ng mga mapagsamantala.
Gayunman, sa eskuwelahan ituturo sa mga estudyante ang pagkakaiba ng “good touch” sa “bad touch” upang maiwasang maging biktima ng pang-aabuso.
Sa pag-alalay ng mga guro, gagabayan sila sa kaalaman tungkol sa “age appropriate developmental and culture sensitive” sexuality education.
Sa kabila ng iba’t ibang pananaw ng tao sa pagtuturo ng sex education sa mga paaralan, minabuti ng Department of Education (DepEd) na ipatupad ang “Policy Guidelines on the Implementation of the Comprehensive Sexuality Education” na naglalayon na magkaroon ng pang-unawa, kaalaman, mensahe at pamamaraan ng pagtuturo ng sex education sa lahat ng private at public elementary school, junior/senior high school, state universities at colleges at local universities at colleges.
Bukod sa maagang pagbubuntis, isa rin sa mahahalagang gampanin ng mga guro ay maiiwas ang mga mag-aaral sa sakit tulad ng AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) na dala ng HIV (Human Immunodeficiency Virus) na nakukuha sa pakikipagtalik sa taong mayroong impeksiyon nito.
Higit sa lahat, mainam na kabilang sa kurikulum ng mga kabataan ang kasanayan sa buhay, ugali, kasarian at empowerment na kanilang tinatalakay sa subjects tulad ng Good Manners and Right Conduct, Health and Science, Social Studies at Home Economics.
Upang maiwasan ang anumang problema o kapahamakan, lalo na sa mga kabataan dahil sa kakulangan at kawalan ng kaalaman tungkol sa sex education, dapat tayong magkaisa sa pagturo at paggabay sa kanila upang maihatid sila sa tamang landas para na rin sa katuparan ng kanilang mga pangarap.
Recent Posts
P1.15B calamity loan para sa 70,000 miyembro ng SSS
Pasko 2024, pagbabalik-loob, pagbabalik-kalikasan
Pagkuha ng lisensya at pagkilala sa copyright ng may-akda ng kanta bago patugtugin
Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.
RECOMMENDED
Academia.edu no longer supports Internet Explorer.
To browse Academia.edu and the wider internet faster and more securely, please take a few seconds to upgrade your browser .
Enter the email address you signed up with and we'll email you a reset link.
- We're Hiring!
- Help Center
Download Free PDF
Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Sex Education
Panimula Lumitaw sa isang pag-aaral na dumadami ang kaso ng mga kabataang nasasangkot sa 'pre-marital sex' ; isang uri ng pakikipagtalik na kinabibilangan ng isang tao o ng mga taong hindi pa naikakasal. Ayon sa 2013 Young Adult Fertility and Sexuality Study o YAFS4 na isinagawa ng UP Population Institute, isa sa tatlong kabataang Pinoy edad 15-24 taong gulang ay nakikipagtalik na. Katumbas umano ito ng 6.2 milyon kabataang Pinoy na kumakatawan sa 32 porsyento. Ang naturang datos ay tumaas umano ng 14 porsyento mula sa resulta ng pag-aaral may dalawampung taon na ang nakakalipas. Napag-alaman din na apat sa 100 kabataan ang nakipagtalik umano sa taong nakilala lang nila sa internet o naging textmate. Nakakabahala din umano na karamihan sa mga umaming sumasabak sa premarital sex ay walang proteksyon kapag nakikipagtalik na ang resulta ay pagbubuntis ng wala sa plano at posibleng pagkakaroon ng sexually transmitted diseases o STD. Ang 'teenage pregnancy' o pagbubuntis ng mga babae sa edad 12 hanggang 19 ay isang malawakang isyu sa Pilipinas. Sa tala ng United Nations Population Fund-Philippines o UNFPA (2014), 1 sa bawat 4 na kabataang babae sa Pilipinas ang nagiging batang ina. Pitumpong porsyento ang itinaas ng bilang ng kaso ng maagang pagbubuntis sa loob ng isang dekada, ayon pa sa UNFPA. Samantalang ang STD ay isang karamdamang nakakahawa, karaniwang kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang taong may impeksiyon. Ang STD ay nakapipinsala sa kalusugan at maaring makapinsala rin sa pagkakataong magkaanak sa hinaharap. Dahil sa kahirapan na makolekta ang eksaktong datos, hindi tiyak ang bilang ng mga taong may impeksyon sa buong Pilipinas. Gayunman, ayon sa istatistika ng Department of Health (DOH), 1
Comprehensive sex education, tinalakay sa Mulat Mata: Isang Kursong Panlipunan
- Post category: Balita
- Post author: Lee Justin Catura at Justin Rainier Gimeno
- Post published: May 16, 2021
PINASINAYAAN ng EDGE2019 ang Mulat Mata: Isang Kursong Panlipunan na tumalakay sa Comprehensive Sex Education (CSE) sa Pilipinas, Mayo 14. Isa itong inisyatibang naglalayong maghatid-kaalaman tungkol sa kalagayan ng sex education sa bansa at magbigay-suhestiyon sa mga maaaring magawa sa hinaharap na makatutulong upang maging mas progresibo ang mga Pilipino ukol sa paksa.
Ipinahayag ng pangunahing tagapagsalita na si Sen. Risa Hontiveros sa kaniyang talumpati na ang mababang kalidad ng edukasyon tungkol sa sekswalidad sa bansa at ang kakulangan ng kaalaman ng mga Pilipino, lalo na ng kabataan, tungkol dito ang nag-udyok upang magkaroon nang mas malalang problema ang bansa. Binigyang-diin niya ang estado ng bansa bilang isang hotspot ng ilegal na pananamantala at sekswal na pang-aabuso.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Hontiveros ang mga namuno sa programa dahil naniniwala siyang isa itong magandang hakbang tungo sa hinahangad na progresibong lipunan. Pinaalalahanan rin niya ang lahat ng dumalo na edukasyon at kaalaman ang susi upang maibsan ang sakit ng lipunan. “Ito ang magmumulat sa mata ng maraming Pilipino. It empowers, it is the first step in dismantling this system,” aniya.
Dumalo rin sa naturang pagtitipon sina Dr. Gia Sison, pinuno ng Makati Medical Center Wellness Center, at Ces Oreña-Drilon, isang batikang mamamahayag. Sinamahan sila ni Andylyn Simeon, coordinator mula sa Lasallian Pastoral Office (LSPO). Sila ang nagsilbing mga panelista sa programa.
Sekswalidad sa iba’t ibang larangan
Isinalaysay nina Simeon at Oreña-Drilon ang kanilang karanasan tungkol sa CSE. Ayon sa kanila, nalaman lamang nila ang terminong sex education sa kanilang ikalawang taon sa sekondarya. Ani Simeon, natutunan niya ito sa pamamagitan ng anatomikal at biyolohikal na pagpapaliwanag ng kaniyang guro sa Biology. Dagdag pa rito, binanggit din niyang mabigat ang naging impluwensiya ng mga turo ng Simbahang Katoliko sa kaniyang kaalaman tungkol sa sex education dulot na rin ng kaniyang pag-aaral at hanapbuhay.
Nang tanungin ukol sa posisyon ng simbahan sa CSE, pinahalagahan ni Simeon ang pagpapaigting sa iba’t ibang perspektiba upang magkaroon ng mas malawak na pag-unawa tungkol sa sex education. Inamin din niyang may kaniya-kaniyang paniniwala at katayuan sa isyu ng sekswalidad ang simbahan at mga tagapaglingkod nito sa Pilipinas.
Bilang isang ina at advocate, iginiit naman ni Oreña-Drilon na kailangang tanggapin ng mga Pilipino ang reyalidad ukol sa sekswalidad at sex education sa Pilipinas, gayundin ang mga epekto nito sa kinabukasan ng kabataan. Aniya, “Alam naman na nating ginagawa iyan [sex] ng kabataan kaya magandang turuan na lang natin sila ng safe sex.” Dagdag pa niya, hindi makatutulong ang masyadong pagiging konserbatibo ng mga Pilipino sa pananaw ng mga kabataan ukol sa sekswalidad sa kasalukuyang panahon.
Sex education sa konteksto ng mga Pilipino
Ipinahayag ni Sison na itinuturing na R-18 ang isyu ng sekswalidad at sex education sa Pilipinas. Ayon sa kaniya, hindi bukas ang isipan ng karamihan sa mga Pilipino ukol sa isyung ito kaya nananatiling taboo ang pagtrato nila rito. Dagdag pa niya, “The more you keep the topic a secret, the more it becomes a taboo to them.”
Para naman kay Simeon, ang salitang “relationship” ang naglalarawan sa sex education. Aniya, hindi lamang nakabatay sa indibidwal ang kahalagahan ng sekswalidad ng tao. Bagamat bahagi ng pagkakakilanlan ng isang tao ang kaniyang sekswalidad, mahalaga ring maisaisip na may malaking gampanin ito sa pakikipagrelasyon ng mga tao sa kanilang kapwa. “That’s [relationship] the element and essence of your sexuality,” aniya.
Bilang isang mamamahayag, pinagtuunan naman ni Oreña-Drilon ang pagtingin sa iba’t ibang perspektiba ukol sa sekswalidad. Ayon sa kaniya, kinakailangan ang pagkakaroon ng bukas na isipan upang lubos na maunawaan ng lahat ang mga pananaw ng bawat isa. Para sa kaniya, isang magandang halimbawa ng inisyatiba ang mga malayang diskursong pinag-uusapan ang sekswalidad at sex education lalo na sa kabataan.
Sex education bilang pangunahing isyung panlipunan
Sa pagpapatuloy ng diskusyon, iginiit ni Sison na isang natural at normal na isyu ang mga usapin tungkol sa mental health at sex education. Aniya, marami nang nagiging hakbang na naglalayong pataasin ang kamalayan ng mga Pilipino ukol sa mga isyung ito.
Inilahad din ni Sison na may mga nagbibigay na ng libreng testing sa mga sexually transmitted infection (STIs) sa ilang ospital. Bagamat may mga programa nang ipinatutupad, hindi pa rin ito sapat upang mamulat ang mga Pilipino na maging bukas sa usaping pangsekswal. “Mental health is underfunded, so is sexual health,” aniya.
Para kay Simeon, mayroong iba’t ibang pananaw ang simbahan gayundin ang mga tagasunod nito tungkol sa mga usaping ito. Ngunit, binigyang-diin niyang hindi maaaring sekswalidad lamang ang maging batayan ng moralidad ng tao. “It is not a black and white thing, there is always a space for allowing it. There are so [many] traditions and Catholics who uphold that kind of tradition but it is your personal conscience [that is] only between you and God. Not even the Pope can touch that,” paglalahad niya.
Sa usaping kultural at epekto nito sa persepsyon ng mga Pilipino ukol sa sekswalidad at sex education, iginiit ni Simeon na mahalaga ang ginagampanang papel ng mga magulang. Aniya, “Kailangang pag-usapan sa family kung paano igu-guide yung bata.”
Sumang-ayon din si Sison sa pahayag ni Simeon at binigyang-halaga niya ang mga pagbabagong dapat gawin ng pamilya. Ayon kay Sison, “It has to go beyond the statement, ‘uy masama ‘yan.” Samantala, kahirapan naman ang nakikitang ugat ni Oreña-Drilon na nagdudulot ng mga usaping ito.
Paninindigan ukol sa isyung panlipunan
Sa huling bahagi ng talakayan, dumaan sa isang fast talk ang mga panelista upang maipahayag nila ang kanilang paninindigan ukol sa samu’t saring isyu na bumabalot sa sekswalidad at CSE.
Saklaw ng ilang tanong ang kanilang pananaw ukol sa Reproductive Health Law, pagkakaroon ng CSE mula kabataan, at libreng contraceptive sa sekondarya na sinang-ayunan nang tatlo.
Sa isyu naman ng pagpapalaglag, hindi pumabor sina Sison at Simeon sapagkat labag ito sa kanilang pananampalataya at personal na paniniwala. Sa kabilang banda, sumang-ayon naman si Oreña-Drilon sa ilang kaso hinggil dito.
Sa pagtatapos ng programa, binigyang-pansin muli ni Alex Brotonel, batch president ng EDGE2019, ang kahalagahan ng sex education para sa kabataan. Giit niya, “Hindi bastos at kailanman ay hindi magiging bastos ang comprehensive sex education.”
- High School
- You don't have any recent items yet.
- You don't have any courses yet.
- You don't have any books yet.
- You don't have any Studylists yet.
- Information
Epekto ng Pagtuturo ng Sex Education sa
Technical vocational education (tve0), guagua national colleges, students also viewed.
- DLL RNW 2NDQ WEEK1 - DLL FOR READING AND WRITING
- DLL Araling Panlipunan 5 Q3 W1
- Q1 PL1 a-b( Akademik) - Piling Larang
- Group-5 - Lesson plan
- MMW Asynchronous Activity Monday November 13 2023
- A1- Module-4 - nothing
Related documents
- RPH- Summary - Pahiwatig: A Guide for Understanding Readings in Philippine History
- 7E's Science 9 - week 4 - Graduated
- Certificate OF Ranking
- Ecolgen Module 3 - read
- Cookery - Tve
- Gas - Gas ideal 🔐
Preview text
Epekto ng Pagtuturo ng Sex Education sa Piling Mag-aaral ng Sekondaryasa St. Jerome Integrated School of Cabuyao
Isang papel pananaliksik na Inihahain kay Bb. Juvy Anne Sarroca Balberian sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Tekso tungo sa Pananaliksik sa Saint Jerome Integrated School of Cabuyao
Aldueza, Camila Mae M. Delos Santos, Kristine Claire A. Hempisalla, Leslie Navarro, Karyle Beatrice D. Seron, Jun Cristoffer P.
Hunyo-Oktubre 2017
Ang sex education ay ang pagsasabi sa mga tao ng tungkol sa pagtatalik kaya naman kung magkakaroon ng pag-aaral patungkol dito, mayroon itong iba’t ibang epekto sa piling mag- aaral ng sekondarya kung saan maaring maging maganda o hindi ang kalabasan.
Layunin ng DepED na palalimin ang pagtuturo ng sex education sa mga mag-aaral sa bansa dahil tinitutukan nito ang problemang “teenage pregnancy” na ngayon ay isa sa mga dapat bigyang atensyon at solusyon ng pamahalaan kung paano mapipigilan ang patuloy nitong paglaganap.
Pero sinasabing ang pag-aaral ng sex education ay hindi dapat sa paaralan itinuturo kundi sa bahay kung saan kapag nasa tamang gulang na ang kanilang anak ay dapat maituro o magabayan na nila ang mga ito sa paraang mauunawaan at madidisiplina sila.
Ngunit hindi lahat ng magulang ay nagagabayan ng tama ang kanilang mga anak patungkol sa usaping pagtatalik kaya naman lalong lumalaki ang kanilang kuryosidad kung ano nga ba ang tunay na kahulugan nito at kaya madami din ang maagang nabubuntis na kabataan, mga kabataang nagiging biktima ng kulang sa kaalaman patungkol sa pagtatalik.
Kaya sa pananaliksik na ito, mangangalap ang mga mananaliksik tungkol sa mga epekto ng pagtuturo ng sex education na kinakahaharap na problema ng kasalukuyan at layunin ng mananaliksik na patunayan na may maganda ngunit may masama ding epekto ang pag-aaral nito sa piling mag-aaral ng sekondarya.
Sanligan ng Pag-aaral
Natutungkol ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng positibo at negatibong epekto ng sex education sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng piling mag-aaral ng sekondarya. Isinagawa ang pagsusuring ito sa tulong ng piling mag-aaral ng sekondarya ng paaralang St. Jerome Integrated School of Cabuyao. Sinuri ang pagiging epektibo ng pag-aaral ng sex education sa mga mag- aaral.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral ito ay pinili ng mga mananaliksik upang malaman ang Epekto ng Pagtuturo ng Sex Education sa Piling Mag-aaral ng Sekondarya sa St. Jerome Integrated School of Cabuyao.
Ang pananaliksik na ito ay tugon sa mga sumusunod na katanungan:
- Ano-ano ang demograpikong profayl ng mga respondante:
1 Edad; at 1 Kasarian?
- Ano ang mga pinagdadaanang karanasan ng mga estudyante kung bakit sila nakikipagtalik:
2 Kuryosidad; 2 Pagiging emosyonal; 2 Pagrerebelde sa magulang; at 2 Pagiging mapusok?
- Ano ang matutukoy na mga positibo at negatibong epekto ng pag-aaral ng sex education.
3 Pagpapahalaga sa kanilang mga sarili; 3 Magabayan ng tama ang mga estudyante; 3 Maiiwasan nila na mabuntis ng maaga; 3 Maaakit lalo sila na subukan ito; at 3 Patuloy na pagdami o pagbawas ng maagang pagbubuntis?
- May kaugnayan ba ang demograpikong profayl ng mga respondent sa pag-aaral ng sex education?
Ho: Walang kaugnayan ang demograpikong profayl ng respondent
Ha: Mayroong kaugnayan ang demograpikong profayl ng respondente
Balangkas Teoretikal
Pagpipigil saPanggigigil: Premarital Sex at Kabataang Pinoy
Roland C. Molmisa
Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng UP Population Institute, ang Young Adult Fertility and Sexuality Survey (YAFFS 4) para sa taong 2012, tumaas ang porsyento ng mga kabataang Pinoy edad 15 hanggang 24 na nakikipag-premarital sex. Mula sa 23 percent noong 2002, umangat ito sa 32 percent sa mga nagdaang taon.
Balangkas ng Konseptwal at Paradima ng Pag-aaral
Kinalabasan ng Pag-aaral
May kaugnayan ang demograpikong profayl ng mga magaaral. Ang positibo at negatibong epekto ng pagaaral ng sex education.
- Pamimigay ng talatangungan
- Pangongolekta ng datos.
- Pagaanalisa ng datos
- Pagkuha ng bahagdan
Pinagbabatayan
- Ano-ano ang demograpikong profayl ng mgarespondante:1 Edad at 1 Kasarian
- Ang mga pinagdadaanang karanasan ng mga estudyantekung bakit sila nakikipagtalik. 2 Kuryosidad 2 Pagiging emosyonal 2 Pagrerebelde sa magulang2 Pagiging mapusok
- Matukoy ang positibo at negatibong epekto ng pag- aaral ng sex education. 3 Pagpapahalaga sa kanilang mga sarili.3 Magabayan ng tama ang mga estudyante. 3 Maiiwasan nila na mabuntis ng maaga. subukan ito.3 Maaakit lalo sila na 3 Patuloy na pagdami o pagbawas ng maagang pagbubuntis
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang pagsusuri sa positibo at negatibong pag-aaral ng sex education. Layunin din nito na mabigyan ng solusyon o mabawasan ang patuloy na pagtaas ng “teenage pregnancy” o maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Ginamit sa pag-aaral ang ilang piling mag-aaral ng sekondarya sa St. Jerome Integrated School of Cabuyao 2017.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Pagkatapos ng pananaliksik na ito, malalaman at matutunan ng piling mag-aaral ng sekondarya sa St. Jerome Integrated School of Cabuyao ang kahalagahan ng sex education at magkakaroon sila ng dagdag kaalaman upang mas mapangalagaan ang kanilang mga sarili lalo na pagdating sa pakikipagtalik.
Sa Mag-aaral. Upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman patungkol sex education kung saan sila ay magagabayan ng kanilang mga guro. Madidisiplina din ang mga ito upang maiwasan ang paglaganap ng maagang pagbubuntis.
Sa Magulang. Matutulungan sila ng pananaliksik na ito upang mas mapadali ang pagbibigay kaalaman sa kanilang mga anak at mas magagabayan nila ang kanilang mga anak tungo sa magandang kinabukasan.
Sa Mananaliksik. Habang ginagawa ang pananaliksik na ito mas lumalawak ang kaalaman ng mga mananaliksik patungkol sa nasabing paksa.
Sa Guro. Mahalagang malaman ng guro kung epektibo ba o hindi ang pamamaraan nila ng pagtuturo ng sex education base sa pag-uugali ng kanilang mga estudyante.
- Multiple Choice
Course : Technical Vocational Education (tve0)
University : guagua national colleges.
- Discover more from: Technical Vocational Education tve0 Guagua National Colleges 63 Documents Go to course
- More from: Technical Vocational Education tve0 Guagua National Colleges 63 Documents Go to course
IMAGES
COMMENTS
Sa kabila ng iba't ibang pananaw ng tao sa pagtuturo ng sex education sa mga paaralan, minabuti ng Department of Education (DepEd) na ipatupad ang "Policy Guidelines on the Implementation of the Comprehensive Sexuality Education" na naglalayon na magkaroon ng pang-unawa, kaalaman, mensahe at pamamaraan ng pagtuturo ng sex education sa lahat ng private at public elementary school ...
ANG KAHALAGAHAN NG PAGTUTURO SA KABATAAN TUNGKOL SA SEX EDUCATION SA LALAWIGAN NG RIZAL. Isang Pamanahong Papel sa Hinaharap sa Kagawaran ng FIlipino Senior High School Department ng Our Lady of Fatima University Antipolo Campus Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Baloquing, Sophia Bidbid, Ciara Bianca A. De ...
Ang mga ito ay isa sa mga dahilan kung bakit na ang Pilipinas, ay kinakailangan ng Sex Education, upang matigil ang problemang ito sa bansa. Ngunit dito sa Pilipinas ay laganap ng negatibong kaisipan ukol sa Sex Education. Kung kaya't maraming tutol sa sinasabing Sex Education sa pagiging conservative at malisyoso ng mga Pilipino.
Higit pa rito, naninindigan ang simbahang Katoliko na ang pagtuturo ng sex education sa mga kabataan ay karapatan ng magulang. Bukod dito, ang pagkakaroon ng sex education ay maaari na magbunsod ng pre-marital sex o pakikipagtalik ng hindi pa kasal dahil sa kyuryusidad, lalo na at ito ay maituturo sa mga edad na kung saan nagaganap ang puberty.
33 6 1 0 0 40 192 4.8 Matindi ang Pagsang- ayon 1 4 Magkaroon ang mga paaralan ng mga patalastas o mga video na mapapanuod na naglalayong ipaliwanag ang mga bagay tungkol sa sex education. 22 10 8 0 0 40 174 4.35 Matindi ang Pagsang- ayon 7 5 Bigyan ng mga pamphlet, flyers, at brochure ang mga magulang at mag-aaral na naglalaman ng impormasyon ...
Sex education sa konteksto ng mga Pilipino. Ipinahayag ni Sison na itinuturing na R-18 ang isyu ng sekswalidad at sex education sa Pilipinas. Ayon sa kaniya, hindi bukas ang isipan ng karamihan sa mga Pilipino ukol sa isyung ito kaya nananatiling taboo ang pagtrato nila rito. Dagdag pa niya, "The more you keep the topic a secret, the more it ...
Tulad sa bansang New Zealand, ang pagpapayo tungkol sa mga di-sekswal na relasyon ay dapat magsimula sa mga unang taon ng pag-aaral. Ang Sex Education sa Pilipinas ay dapat na pinasimulan mula sa junior high.. Ang Sex Education sa Pilipinas ay nanghihikayat ng Safe Sexual Behaviour . Dapat maunawaan na ang sex education sa Pilipinas ay nagtuturo sa mga kabataan ng mga eksaktong kahihinatnan ...
Sex Education sa High School sa Pilipinas: Sa Lehislatura Ang Responsible Parenthood at Reproductive Health Act ng 2012 ay naipasa bilang batas upang palawakin ang sexuality education sa mga high school sa Pilipinas. Nais din nitong makapag-garantiya ng panlahat na akses sa mga metodo ng kontrasepsyon, fertility control, at maternal care.
Ang sex education ay ang pagsasabi sa mga tao ng tungkol sa pagtatalik kaya naman kung magkakaroon ng pag-aaral patungkol dito, mayroon itong iba't ibang epekto sa piling mag- aaral ng sekondarya kung saan maaring maging maganda o hindi ang kalabasan. ... (YAFFS 4) para sa taong 2012, tumaas ang porsyento ng mga kabataang Pinoy edad 15 ...
The Department of Education states that Philippine sex education, aims to make individuals, especially the Filipino youth, to be well informed on their choices and make conscious decisions regarding their personal safety. ... More about Philippine Sex Education Essay. Abstinence-Only vs. Comprehensive Sex Education 2387 Words | 5 Pages; The ...